Children's book in Tagalog. Takot si Ching sa mga di nakikitang bagay sa dilim. Ngunit isang tingin sa labas ng bintana habang nakislap ang bitiuin and nagpabago nito. Ano kaya ang nakita ni Ching? Ito ay rekomendado sa mga batang edad 6 pataas.
Noong bata pa ako, takot din ako sa madidilim. Hindi na ako lumalabas ng bahay kapag wala ng araw. Hindi ako makatulog sa gabi na patay ang ilaw. Iniisip ko na laging may nag-aabang na panganib kapag madilim. Ayoko ng walang nakikita. Pakiramdam ko laging may mga nilalang na nakakakita sa akin habang hindi ko sila nakikita. Kaya hangga't maaari gusto laging may liwanag. Gusto ko na laging may naaaninag.
Ngayon, malaki na ko. Ayaw ko nang matulog ng may ilaw. Sanay na akong maglakad sa mga madidilim na iskinita at kalsada. Wala lang sa'kin kung bigla mang magbrown out sa kalaliman ng gabi. Gustong gusto kong pagmasdan ang madilim na kalangitan sa gabi at titigan ang mga nagkikinangang mga bituin. Wala na akong takot sa dilim.
Hindi ko alam kung paano nangyari yun na nawala na lang ang takot ko. Anu pa man ang dahilan, masaya pa rin ako dahil dun.
Isa ito sa napakaraming librong pambata ng Adarna na aking nabasa. Pilit ko ngang inaalala ang iba ko pang nabasa para masama ko rin sa listahan ko rito. Ang sarap kasing balikan ng mga ganitong kwento noh? Naaalala mo rin kasi 'yong iyong kabataan. Lagi kaming binabasahan noon ng aming guro ng mga kwento galing sa Adarna. Matapos no'n, 'pag gusto naming balikan 'yong istorya, pupunta naman kami sa silid-aklatan. At kung gusto mo pang magkaroon ng sarili mong kopya ng libro, aba, maaari kang bumili sa mga bumibisitang agent ng Adarna. Ang alam ko hindi lalagpas ng 50 ang presyo ng kada libro noon.
Teka, si Ching nga pala ang bida rito. Takot pa rin kaya siya sa dilim ngayon? Basta ang cute niya sa cover ng libro. Tingnan mo oh. Simple lang ang kwento at mauunawaan ng mga bata dahil minsan sa kanilang (ating) buhay, lahat tayo natakot sa dilim.
Noong bata pa ako, takot din ako sa dilim. Mag-isa lang ako sa kuwarto, at takot akong matulog nang mag-isa, at nang walang ilaw.
Ramdam ko sa akda ang bawat detalye, ramdam ko ang struggle ni Ching, ramdam ko ang galak niya nang malabanan niya ang takot sa dilim.
Ang ganda ng isa sa mga mensahe ng akda: dahil sa takot sa dilim, di napapansin ang maririkit na bagay gaya ng ganda ng mga mata ng pusa sa gabi, at liwanag ng mga alitaptap.
Hindi lamang literal na dilim ang tinutukoy sa akda, kundi ang ating takot na dapat nating mapaimbabawan.
Ang isa sa mga kapangyarihan ng kuwentong pambata, tinuturuan tayo nitong maging mas matapang, kahit pa basahin natin ang akdang pambata sa panahong di na tayo bata.
Batnag, Aleli D. Si Ching na Takot sa Dilim / Ching, who is afraid of the dark (2002). This story is about a Ching who is afraid of the dark. Looks like he was scared by his older brother or friend. For that reason, Ching will only play inside his bedroom and wouldn't go outside at night. One night, his flashlight ran out of battery and he became very afraid of all the weird shadows coming from his window. He is not getting any sleep because hes afraid and keeps looking at his clock. His face started to look tired. When Ching's cat came into his room, he realized that the monsters were simple shadows and that it's not really scary in the dark. He finally decided to go outside noticing all the amazing shining in the sky and fireflies in the trees. The text's font is totally appropriate to the theme of the book and the illustrations. It was very enjoyable to interpret the images of the book without being able to read the text. This book received the Gintong Aklat Award for the Children's Book Category in 2000. Target audience: Ages 3-6