Ang engkantado ay isang nobelang umiinog sa mundo ng bata at kabataang Pilipino, hinabi ng malikhaing malay ng manunulat mula sa napakatandang kapaniwalaan ng lahi sa loob ng mga dantaon.
Napagtagumpayan ng nobelista na buhayin ang isang mundo ng kababalaghan na sinangkapan ng pagtalakay sa kahulugan ng pag-ibig, hustisya, at pagmamahal sa kalikasan. Ginamit sa nobela ang katutubong mahika ng mga lamang-lupa at binanghay ang isang kahanga-hangang daigdig ng kababalaghan na ang realismo ay hindi mapasusubalian.
Ang Engkantado ay humahamon sa imahinasyon ng bata at kabataan. Tiyak na kalulugdan ng buong pamilyang Pilipino ang taglay nitong metapora, sagisag, at salamangka sa katotohanan na waring idinuduyan sa isang mitikal na inang lupa.
Magandang handog ng matatanda ang Engkantado para sa mga bata at kabataan at alay ng mga bata at kabataan sa kanilang ama at ina, lolo at lola, at sa mga kalaro at kaibigan.
Domingo G. Landicho obtained his Bachelor of Arts and BS in Journalism degrees from the Lyceum of the Philippines, and an MA in Education at the National Teachers College. He later earned his Bachelor of Laws degree at Lyceum. In 1994, he obtained his Ph.D in Filipinology from the University of the Philippines, where he has served as Writer-in-Residence and professor at the Department of Filipino and Philippine Literature and associate director for criticism at the Institute of Creative Writing.
His published poetry and fiction include Paglalakbay, Mga Piling Tula (1974); Himagsik, Mga Nagkagantimpalang Kuwento (1972); Sa Bagwis at Sigwa (1976); Niño Engkantado (1979); Alay (Katipunan ng mga Piling Tula) (1984); Tula sa Ating Panahon (1989); Dupluhang Bayan at Dalawa pang Tula (1990); and Apoy at Unos (Katipunan ng mga Tulang Popular) (1993). His numerous awards and recognitions include the Palancas, CCP Balagtas Awards, KADIPAN Literary Contest, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.
He was Director for Asia of Poet Laureate International, member of PEN International, and honorary member of International Writers' Workshop, University of Iowa.
I have been on the look out for a work of fiction that is substantial in length and written in Filipino for our Grades 7-9 students. I was thinking of something similar to the excitement that a "Trese" can generate but in prose form. For the past three years or so, I have failed in my quest. It is for this reason that learning about the existence of this book while browsing at a National Bookstore branch caused me elation.
It took me several more months before I got to buy the book, this time at a Fullybooked outlet. It was easy enough to read--I imagine myself in the shoes of a thirteen year old kid. The sentences are short enough, and the language, while containing archaic Filipino words, is easy enough to understand by merely using context clues.
What I cannot get over with is the story itself and how it is told. To say it is simplistic is being too kind. Inane may be able to capture what I feel about the entire thing and how I was robbed of almost 300 bucks. The plot is so full of holes that I became conscious of the times when I do eye-rolling and face palms. This is magical realism and post-modernism forced and lazily done.
Pinag-uugnay ng nobelang ito ang mundong ibabaw at kailaliman. Isang malikhaing obra na bukal ng mga maririkit na salita. Magaan basahin ngunit may mga salitang mahihirapan nang intindihin ng mga kabataan sa panahon ngayon kung hindi nila gagamitan ng diksiyonaryo. Hindi isang diretsong nobela na iisa lang ang direksiyong patutunguhan. Hindi ko inaaasahan ang mga biglang pagliko ng kuwento na mas lalong nagpatingkad sa kabuuan nito bago dumating sa wakas.