I rated it 2 stars. Here's how and why:
My friend recommended the author to me since she became an avid reader of her. I gave it a try but not through Wattpad, I searched in NBS and found one book of her-- this. Bought it even though its pricier than those average published books from Wattpad. Ang laki ng expectation ko, I said it better be worth it. Sana pala binasa ko nalang sa Wattpad. Better yet, sana pagkabasa ko palang ng plot, binaba ko na ang libro.
I read other reviews, inisip ko na baka mean lang ako at hindi ako marunong maka-appreciate ng Filipino literature. Pero naisip ko rin na, marami naman akong hinangaang Filipino books, iba pa nga ay pinagmalaki ko pa at isubsob sa mukha ng iba kong kaibigan. Pero hindi itong librong ito.
Naiintindihan ko na market ng libro ay "young adults". I am 20 and I feel like I read a book plotted by 13 year old high school student trying to picture herself as 18; with a writing capability of a 26 year old hopeless romantic (dito, tama na ako). Nasabi naman sa akin ng kaibigan ko na matagal na itong naisulat, nabasa niya raw 'to five years ago pa. Okay, so papatawarin na growing years pa ito nung sinulat ni author.
It's the ordinary boy meets girl, si mayaman at si mahirap, si kaagaw at si inaagawan. The conflict was too ordinary, if not so so. Hindi ko na masusundan pa ng Book 2 kung Book 1 palang irap na ako nang irap sa sobrang predictable ng storya. Hindi ko mapagkakaila na professional ang pagkakasulat, pero nagkulang ito ng imahinasyon. Feels ba kamo? Wala ako naramdaman kundi pagkayamot at pagkainip. Alam kong ito ay fiction lamang pero 'di ito nailarawan as slice of life. Kahit yung simpleng pambubully na madalas naman nangyayari, hindi convincing.
Ito ay isang honest review lamang sa particular na librong ito. Hindi ko linalahat ang naisulat Jonahmae Pacala (jonaxx). Baka nga magustuhan ko pa yung mga latest niya. Kaya lang, 'di na makakapag set ng mataas ng expectation.