It's my first time ulit bumalik sa tagalog books. Puro international ang mga binabasa ko lately. Actually, matagal ko ng nakikita kong libro na to, curious ako sa story niya pero hindi ko aakalain na makikita ko siya sa national na malapit sakin, ineexpect ko kasi wala ng available since matagal na tong libro. So ayun, lumaki talaga mata ko nung nakita ko siya sa national, pinigilan kong mapasigaw sa loob hahaha
Madami nakong nabasa na Alyloony na books sa wattpad, surprising nga na hindi yung Angel in Disguise niya yung pinublish for physcial book.
I like it na happy ending siya ❤️ and eto ang first book na natapos ko for 2024 yeheyyy!! Road to over 100 books this year!
--------
Okay so here's my favorite part where I left my bookmark 🔖
1. Yung part na POV ni Caleb. I really like it kapag yung author ay naglalagay ng ibang POV sa ibang characters, at hindi lang pixated sa isa. Mas maganda kasi malaman yung side at iniisip ng ibang POVs. And I like na pinakita talaga how much Caleb loves Angelique.
2. Yung part na nakita niya sa art gallery yung gawa ni Caleb, na about sakaniya. Natawa ako dun sa part na bibilhin nuya sana kasi ang mahal hahaha Actually, hindi ko medyo nagustuhan na naaalala siya ni Caleb because that's the point of the deal, na hindi siya maaalala. Sana ang ginawa nalang is hindi siya naaalala ni Caleb, pero nakikita niya sa panaginip si Angelique. But that's it, kung magkita man sila, sana ang sinabi ni Caleb is familiar lang siya, hindi niya alam kung bakit pero siya yung nakikita sa panaginip.
3. Which is yung last part, obviously, yung nagkita na sila at happy ending yung nangyari. It's really nice na nagkita na sila FOR THE FIRST TIME sa reality. Pero na-curious lang ako if ganun padin ba itsura nila nung nagkikita sila sa panaginip at ngayong medyo tumanda na sila sa reality? Like diba dapat medyo magbabago itsura nila? Sana lang namention yon sa story, to add more detail sa scenario.