If you're an avid fan of murder-mystery novels and loves to make your own deductions thus you take every cases seriously (like me). Then this is not a book for you. But if you just wanna jam with the characters throughout their adventures, I advise that don't take it seriously.
[DISCLAIMER: THIS WILL CONTAIN SOME SPOILERS FROM THE FIRST BOOK
2ND DISCLAIMER: Walang mat-trigger dahil sariling opinion at review ko ito. Kung ayaw niyo sa opinion ko, then stop reading.]
The writing style was okay, may problema lang ako sa mga kulang-kulang na punctuation marks. Massive example nito ay yung mga nakakalimutan na end quotation marks sa (ibang) dialogues. Para sa akin ay nakakairita kasi mar-realize ko na lang na tapos na pala ang sinasabi nung character. It sets off the mood ng pagbabasa.
Sepaking of Dialogues. Sa pagbabasa ko sa librong ito may time na nagc-cringe ako sa sinasabi ng mga "antagonist" sa story. Best example nito ay nung nakidnap si Lorelei at nakasuot siya ng princess gown.
"Your gown is perfect for this game, don't you think? You're like a princess who needs a saviour" -Maggie
Maybe it's just me. Pero parang ang cliché ng dialogue na yan and it's uncanny. Also, sometimes yung ibang mga dialogues (specifically yung kay Loki) it's pushing its way para maging quote, yun yung feeling ko dahil it doesn't comes off natural.
For the Characters. The two MCs (Lorelei and Loki) are fine, dahil nagagawa naman ng writer na bigyan sila ng "mystery" kung ano nga ba ang nangyari sa past nila. Though, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako ganoon naging kainteresado sa past nila. There are also times na nakakalimutan ng writer kung ano nga ba ang impression na ginawa niya kay Lorelei. It's like ginagawa niyang vulnerable si Lorelei para maligtas si Loki kahit na nararamdaman ko yung strong personality ni Lorelei. But other than that nakakatuwa ang interactions nilang dalawa
Si Luther at si Maggie naman. I think napaka-one dimentional nila. Yes, we know na si Maggie ay yung parang right hand nito ni Luther, pero yun lang ba talaga iyon? I wish na makita ko siya magbigay ng iba pang emotions at sariling decisions. Para sa akin isa siya sa mga interesting na character kung nad-develop pa siya sa series. Si Luther naman, isa ring one dimensional character. Y'all know why? Dahil nagstick lang tayo sa sinabi ni Loki na "Master Manipulator" siya. Tbh, I don't see him as a threat sa dalawang mc, dahil hindi ko pa nakikita ang mga subtle manipulation techniques na pwede niyang gamitin. But I do see him na "namanipulate" niya si Maggie but I want to see him in action. Maganda sana kung minanipula nalang niya itong si Lorelei na umalis ng Q.E.D Club kung saan muntik-muntik nang pumayag si Lorelei, kung saan magkakaroon ng malaking conflict between the two at doon ipapakilala ni Loki ang kanyang kapatid bilang isang master manipulator. Instead na dukutin si Lorelei dahil wala iyon sa area ng mga manipulators.
Si Rosetta, another one dimensional character. Ano lang ba ang alam natin sa kanya? Well, she's a friend of Lorelei na nakatira sa White Hostel ma kasama sa Paranormal Club. And that's it. So far, wala nang iba.
Same with the police, parang hinahayaan lang nila na sina Loki at Lorelei lang ang maginvestigate sa mga cases. Throughout the 1st book, naisip ko lang na paano kaya kung si Inspector Estrada ay kinukuha lang ang credits ng dalawang bata para mapromote lang siya sa trabaho? Yun ba ang dahilan kung paano siya naging inspector? Idk.
In addition, yung mga mysteries na nandito sa Project Loki ay mabilis ko lang malutas bago pa man ito mailabas. Pero, I somehow enjoyed it kahit na may mga errors dahil I'm intrigued kung ano pa ang mangyayari sa plot. So I'll give it 3 stars 🌟🌟🌟